Make your own free website on Tripod.com

Pamantasan ng Cabuyao

Blank page
Home

logo.jpg

Katapatan Village,Banaybanay,Cabuyao,Laguna

Courses offered:
BSCS
BSIT
BSCOE
BS NURSING
BSED
BSA
BSBA
BS PSYCHOLOGY
COMTECH
COMPROG
COMSEC
MIDWIFERY
CAREGIVING
 

PGMA's Speech during the Convocation of the Pamantasan ng Cabuyao

Pamantasan ng Cabuyao Campus Cabuyao, Laguna (19 June 2003)


Maraming salamat.

Maraming salamat, Secretary Joey Lina, dating ama ng Laguna, ngayon ama ng lahat ng local government sa ating bansa; anak ng Laguna si Joey Lina.

Binabati ko ang mga official nitong ating bagong Pamantasan ng Cabuyao, siyempre unang-una 'yung Chairman of the Board, si Mayor Aguillo. Gusto kong batiin si Mayor Aguillo dahil tinayo ng Cabuyao itong pamantasan sariling sikap, walang tulong mula sa ibang ahensya at walang utang. Kaya congratulations sa Cabuyao.

Binabati ko ang inyong pangulo ng Pamantasan ng Cabuyao, si Dra. Taringting. Siya po ay hindi dayuhan sa akin dahil gaya nang sabi ni mayor siya ay nanggaling sa Pamantasan ng Maynila on secondment dito para magsimula nitong municipal university na maging kasing-tagumpay ng lungsod, iyung Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.

Binabati ko ang vice president ninyo ng Pamantasan ng Cabuyao, si Sonia Roxas, ang Vice President for administration; at nabati ko na yung mga taga-rito sa eskwelahan ninyo, batiin ko naman iyung mga taga- probinsiya, si Governor Ningning Lazaro, na siya rin ay taga- Cabuyao; at nabati ko na si Mayor Aguillo bilang official ng pamantasan. Batiin ko naman iyung sanggunian na pumayag na ito'y maging isang pamantasan -- sa lahat, kay Vice Mayor at lahat ng mga members ng Sanggunian.

Napakaraming panauhin, hindi lamang si Governor Lazaro, kung hindi na rin iba't-ibang mga punong-bayan at punong-lungsod ng Laguna ay narito para bumati. Kaya babatiin ko silang lahat at babanggitin ko na lamang si Mayor Arcillas, ang pangulo ng Mayors' League ng Laguna, nandito siya; nandoon 'yung ibang mayors sa harap, sa front row, ang daming panauhin; diyan sa likod nandiyan si Mayor Lajara ng Calamba. Oo, dahil siya ang aking host kanina doon sa pagdiriwang ng kaarawan ni Jose Rizal; iyung ating board members kanina pang kasama doon sa Calamba, salamat at narito rin sila; at ipakilala ko muli sa inyo itong aking napaka-humble and self-effacing na bagong Secretary of the Press, si Secretary Milton Alingod; mayron pang isang anak ng Cabuyao, wala na siya dito, 'yung Regional Director ninyo si General Caringal, Jimmy Caringal, tiga-Cabuyao rin iyon. Ayon, ayon.

Binabati ko kayong lahat mga magigiting at masisipag na mag-aaral ng Pamantasan ng Cabuyao. At ah, mayron tayong kinatawan ng CHED, si Dr. Virginia Resurreccion; at narito rin yata lahat tayo na mga teacher kung saan-saan galing sa Cabuyao; mga barangay officials, captains at saka tanod; mga teachers... Oh, Lion's Club narito rin; mga magulang.

Salamat at kayo ay narito sa kauna-unang symposium ng pamantasan at karangalan ko na ako ang naging first symposium speaker sa Pamantasan ng Cabuyao. Maganda nga itong pagkakataon na ginagawa natin itong symposium na ito: una sa lahat, fourth day of school ninyo. Bagong-bagong eskwela, mga three-fourths sa mga estudyante ay freshmen kaya kayo ay mga magiging pangunahing mamamayan ng Cabuyao at ng Laguna in about four years time, kaya dapat hinahanda na ng inyong mga magulang at mga official iyung Cabuyao para pag-graduate ninyo bilang mamamayan na bahagi na ng lipunan ay handa na para sa inyo.

At dahil ito ay araw Jose Rizal uulitin ko 'yung aking sinabi kanina na salita hindi galing sa akin kung hindi na rin galing kay Dr. Jose Rizal noong siya ay nasa Espanya doon sa tinatawag nilang "Kilusan ng para sa kalayaan ng Pilipinas," sinabi niya "Mga ginoo," sabi ni Dr. Rizal, "Panatilihin natin ang ating pagkakaisa at patunayan natin sa lahat na pag ginusto ng Pilipino, kaya niyang gawin ito." 'di ba, pinatunayan ng Cabuyao na pag gusto, kayang gawin; kaya magkaroon ng pamantasang walang utang. Kaya ito ay napakagandang inspirasyon at sigurado ako na sa kanyang kaarawan iyung inyong ka-lalawigan, si Dr. Jose Rizal, ay nasisiyahan siya na two generations, three generations later, pinapatunay ng Pilipino sa lalawigan niya iyung kanyang sinabi tungkol sa Pilipino.

Pero ngayon iba na 'yung kalaban. Noong sinabi ni Jose Rizal yuon, ang kalaban noon ay 'yung mga kastilang mananakop. Ngayon, ang ating kalaban ay kahirapan. Kaya ang pinakahamon ng ating bansa ngayon ay kahirapan. At noong ako'y unang naging pangulo sinabi ko, na dapat sa wakas sugpuin natin ang kahirapan sa loob ng isang dekada. At least kung magtagumpay ang ating bansa sa ganung ambisyon, kayong mga bata lalo na ang mga freshmen, by the time mga yuppies kayo, at makikinabang kayo sa ganung mga pagkakataon. Pag sa ganun, ten years from now o seven years from now, three years after you graduate, mas mabuti na ang kalagayan ng ating ekonomiya.

Noong ako naman ay nagsalita sa Kongreso noong unang sesyon, pagkatapos ko naging pangulo, State of the Nation Address, sinabi ko na kung susugpuin natin ang kahirapan sa loob ng isang dekada kailangan apat itong aspeto sa ating plano kung papano masugpo ang kahirapan:

Una, pamumuhunan para magkaroon ng maraming trabaho;

Pangalawa, i-angat ang agrikultura dahil nakararami sa mahihirap ay nasa kanayunan;

Pangatlo, diretsong kalinga doon sa mga naiiwan ng kaunlaran;

At pang-apat, itaas ang sukat ng moralidad sa gobyerno at saka sa negosyo.

Mapunta tayo sa una, dahil napaka-importante ang Cabuyao doon sa unang sinabi ko -- pamumuhunan para magkaroon ng maraming trabaho -- kasi ang Cabuyao ay nasa puso, nasaheartland ng Calabarzon na siya ang sentro ng ating industriya. Kaya naman nakapagtayo kayo ng pamantasan dahil maraming industriyang nagbabayad ng buwis dito sa Cabuyao. At kung gusto nating manatili itong ganitong paraan na nasusugpo ang kahirapan sa pamamagitan ng trabaho, importante na ang Calabarzon, importante na ang Cabuyao, importante na ang bansa ay maganda ang kapaligiran para sa mga namumuhunan. Masyadong makompetensya na ang mundo ngayon.

Halimbawa, 'yung Procter and Gamble dito sila noong araw -- nandito pa rin, 'di ba? -- pero noong araw nagpro-produce dito, nagpro-produce... Nagbebenta dito, nagbebenta sa ibang bansa. Ngayon, dahil malakas na ang kompetensiya, 'yung mga ibebenta niya sa China kaysa dito niya gagawin lilipat na lang sa China dahil mas mababa ang sweldo doon at walang strike doon. Ang naiiwan dito 'yung ibebenta na lang niya dito sa Pilipinas. Kaya 'yon ang mga senyas na pinapakita na hindi tayo pwedeng complacent at kampante. Dapat ginaganda natin ang ating investment climate. Ito ang dahilan kung bakit: number one, sinisikap ko na 'yung ating kuryente ay competitive. Noong ako ay unang umupo, number two most expensive ang ating kuryente sa asia. Ngayon, number six na lamang dahil hinahanapan natin ng paraan kung papano bumaba pa ang presyo ng kuryente. Isa pa 'yung telepono. Mahirap tumawag o kung mahal ang rates. Pero ang isang nagawa natin ay napababa natin ang rate ng telefono. In fact, napadami ang mga cellular kaya naging madaling-madali na sa communication. At 'yon ang isang dahilan kung bakit ang call centers ay napakamabili dito sa Pilipinas. Iyon bang 'yung mga tumatawag sa Amerika, nandoon ka sa San Francisco, bumili ka ng toaster, ang nakalagay sa toaster made in Texas. Nasira 'yung toaster mo, tatawag ka sa Texas, sabihin mo nasira 'yung toaster mo. Sumasagot sa iyo sa kabila akala mo tiga-Texas, nanduduon sa Pilipinas 'yung sumasagot sa iyo. Iyon ang tawag na call center at 'yon ang isang malaking pinanggagalingan ng trabaho natin ngayon.

At dito sa Calabarzon, dahil maganda ang telecommunications, mura ang linya sa Amerika, maraming call center na tatayo dito. Dapat 'yung ating mga kabataan ay naghahanda para sa mga trabahong ganun. At 'yon ay palagay ko ang isang ginagawa ng pangulo ng Pamantasan ng Cabuyao.

Isa pang ginagawa natin, transportasyon. Kasi nga, Maynila siksik na siksik na. Dami nakatira sa Maynila, nagtratrabaho naman sa Cabuyao. Dami nakatira sa San Pedro, nagtratrabaho naman sa Makati. Mas giginhawa 'yang mga sistemang iyan kung maayos ang ating transportasyon. Kaya ang ginagawa natin 'yung tren at saka iyung highway ay inaayos natin at sa matapos 'yung tren sa ilang buwan na lamang natitira, nalalabi, 30 minutes lamang ang biyahe between Cabuyao and Makati. Kaya maging nagtratrabaho kayo sa Calabarzon o sa financial district pwede kayong matira sa Cabuyao.

Kaya alam ng mga developers 'yan eh. Kaya kanina nag-lunch kaming lahat -- si governor, si Secretary Lina, mga board members, mga mayors - kumain kami lahat dito sa Cabuyao, sa development ng mga Alvarez. Dalawang libong bahay ang ipatatayo niya at pagkatapos noon gagawa pa ng isa pang development, malapit na, dito rin sa Cabuyao. At pagkatapos naming kumain doon dumaan kami ni Secretary Mike Defensor, dito rin sa Cabuyao, na sa kagandahang loob ng gobyerno ng Cabuyao ay pinapayagang relocation site nung mga squatter na nakatira sa tabi ng riles kasi kailangan luwangan 'yung riles para maging treinta minutos lang 'yung biyahe. At pumayag ang gobyerno ninyo basta 'yung mga Cabuyao na matatamaan din ng riles ay may unang tsansa para matira sa magandang development na yon. So, 'yon po ay transportasyon. At 'yung kalsada din ay pinapalawak na rin natin nang sa ganun 'yung Calabarzon -- at ginagawa rin 'yon sa north going Clark -- lahat noon ay magiging isang Mega-Manila na lamang. Kaya pwede kayong matira kung saan n'yo gusto. Pwede magtrabaho kung saan n'yo gusto dahil inaayos natin ang transportasyon.

At isa ring kailangan sana nga 'yung ating mga manggagawa. Ang Pilipinas ay kilala sa buong mundo bilang tahanan ng dakilang manggagawang Pilipino. Ako ay hindi lamang pangulo ng 80 million filipinos, ako rin ay pangulo ng 8 million Filipinos na nakatira sa ibayong dagat at talagang napakagaling ng ating Pilipino at ito ay dahil sa edukasyon. Kaya kailangan ituloy natin ang pagmamahal sa edukasyon. At 'yung sinabi ni mayor na ginastos niya, ginastos ng sanggunian ang pera ng Cabuyao sa edukasyon kaysa sa ibang klaseng monumento ay pinapakitang mahal natin ang edukasyon dito sa Cabuyao at kailangan magagaling na manggagawa. Kaya pag magaling ang pamantasan, madaling pumasok dahil nasa bayan mismo gagaling talaga ang manggagawa. At dapat sana maiwasan 'yung alitan ng mga manager at saka mga manggagawa. Iyon ay isa ring napaka-importante para sa investment climate. At siyempre dapat 'yung katiwalian at 'yung red tape, 'yon dapat ay linalabanan din.

Kaya ako ay nasisiyahan at binabati ko ang Cabuyao dahil 'yung premyo na sinabi ni mayor na binigay ko sa kanya doon sa Malakanyang, 'yon ay premyo dahil model one-stop shop 'yung one-stop shop for business dito sa Cabuyao. Ibig sabihin noon ay 'yung red tape sa one-stop shop 'yon ang mga naiiwasan. At pag naiiwasan ang red tape, naiiwasan din ang katiwalian. Pero siyempre kung gusto natin na maiwasan tuluyan ang katiwalian, dapat pati 'yung mga halal na opisyal ay nahahalal sa malinis na paraan at ang pinakamagaling para magawa 'yan ay ma-computerize natin ang ating halalan. Kaya tatlong bilyong piso ang pinupuhunan natin para magkaroon ng computerized election sa 2004. Iyon ay bahagi ng ating gusto na maganda ang klima sa mga namumuhunan maging ang namumuhunan ay dayuhan o Pilipino mismo.

At itong Cabuyao ay sana siya ay maging isa sa mga makinabang dito sa mga repormang ginagawa natin. Ito ay reporma para sa ating industrialization and services. Dahil kung titignan natin, saan kaya pupunta ang puhunan sa darating na sampung taon o sa mga panahon, pag kayong mga estudyante ay naga-graduate na, naghahanap na ng trabaho. Three years from now, nasaan kaya ang puhunan, nasaan kaya ang mga trabaho ninyo. Ang trabaho, ang puhunan ay pupunta sa mga service sector dahil doon tayo competitive. The service sectors that use skilled human resources. 'Yung isa doon ay information and communication technology. Kaya dapat 'yung mga engineering students dito nasa tamang kurso kayo dahil sa mga darating na panahon kailangan ang maraming inhinyero. At kung gusto nating maraming inhinyero sa darating na panahon, kailangan sa basic education pa lang, mahal na ng estudyante ang math at saka science.

Kaya binabati ko ang pamantasan at cabuyao dahil nagtatayo kayo ng science high school para mahal ng estudyante ang science -- maganda ang eskwela; magagaling ang teacher, hopefully; enjoyable mag-aral ng science - kaya sisikap ho ang national government na tumulong sa pagtayo ng inyong science high school dito sa Cabuyao.

Iyon naman pong nursing. Binabati ko rin dahil marami sa mga nagtratrabaho sa ibayong dagat ngayon ay mga nurses. At ang taas-taas ng kita ng mga nurses at sila ang nagpapadala ng napakaraming pera muli sa kanilang mga bayan, na nagtatayo ng mga bagong bahay. Eto, sa Cabuyao ang dami daming bagong bahay. Alam ho n'yo ba na ayon sa ating statistics, pinakamalaking palengke, pinakamalaking bumibili ng housing ay 'yung mga overseas workers na bumibili para sa mga familia nila rito. Kaya nakikinabang ang Pilipinas doon sa mga ginagawa ng ating mga manggagawa sa ibayong dagat.

Eh pangalawang bahagi ng ating plano ay ibayuhin ang agrikultura. Hindi na ako masyadong magkukwento dito sa Cabuyao dahil industrial kayo at hindi kayo agricultural. Pero doon sa ibang lugar -- pinanggalingan ni joey -- na laguna ay agricultural. At doon ang ginagawa natin ay 'yung hybrid rice na nagdo-doble ng ani at nagdo-doble ng kita ng mga magsasaka pati na rin sisikapin na ibayuhin ang buhay ng mga magnyuniyog sa pamamagitan ng mga microfinance para magkaroon sila ng second source of income.

'Yung pangtalo, iyung kalinga doon sa mga naiiwanan ng kaunlaran, yung mga diretsong serbisyo sa mga dukha. Eto nga 'yung mga housing. Meron mga housing para sa mga mahihirap, kagaya nung 'gawad kalinga' na ang dami dito sa probinsiya, 'yon ay pagtutulong-tulong -- government, private sector -- at 'yon ho ay kung minsan 35,000 pesos lamang ang isang bahay para sa mga mahihirap. Ang ginagawa natin pinapalago natin ang mga tahanan na 35,000 pesos up to 2 million pesos. Kasi 'yang range na 'yan, 'yan ang mga iba't-ibang... Depende sa uri ng manggagawa kayo, 'yan ang mga bahay ng mga manggagawa. 'Yung kanina ngang pinuntahan namin, ang range doon ay... Magkano? Not more than 800,000 'di ba, mayor? 500 to 800,000 at marami doon ay mga nagtratrabaho sa mga pabrika dito sa Cabuyao.

At 'yung kalusugan, gusto po natin na 'yung mga dukhang mahihirap libre kung pwede ang kanilang paggamot o maliit lamang ang bayad. Kaya ako'y nilalagay natin ang nakararami sa health insurance. At binabati ko rin ho kayo dito sa Cabuyao dahil ang laganap na laganap ang Philhealth po dito sa inyong bayan. Kaya congratulations sa inyo doon -- 5,000 health cards. Ibig sabihin noon... Kasi ang isang health card para sa buong pamilya 'yon. Kaya 'yang 5,000 health cards, 25,000 ang naka-cover ng health insurance. Eh gaano kalaki ang population ng Cabuyao? Malaking coverage ng population, 25,000 out of a 120,000 covered na ng health insurance. Sana mas lumaganap pa at dumami pa.

At gaya nang sabi ko, 'yung pang-apat naman -- pag-angat ng sukat ng moralidad sa ating bansa, sa ating lipunan, sa ating pamahalaan. Binanggit ko na nga 'yung isang paraan, 'yung one-stop shop. Siyempre 'yung iba pang paraan 'yung paglaban sa krimen, lalo na sa droga na binanggit ni Joey Lina. Malaking perwisyo sa metro manila at mga kapaligirang probinsiya na very urbanize ang problema ng droga. Kaya dahil urbanize ang Calabarzon, ang Calabarzon ay hindi exempted sa problemang yuon. Kaya kailangang- kailangan na nagtutulungan tayo dito sa problema ng droga lalo na kayong mga kabataan sinasabi ko ito: nananawagan ako, tayong lahat, labanan natin ang droga. For you the young, number one way to fight drugs -- "just say no." for the rest of us, kailangan hinahanap, nagtutulungan, sinusumbong kung sino 'yung mga drug pushers sa mga lugar. 'Yon ang napaka-importanteng... Enforcement ang napaka-importante. Yes, may rehabilitation pero enforcement ay napaka-importante kayaako po ay naglalagay ng one billion pesos standby fund mula sa kita ng lotto para 'yon ang gagamitin para labanan ang droga. Para sa ganun, kayo mga kabataan ay hindi maaaliw sa ganung mga tukso at sa halip na maaliw sa ganung tukso, kayo ay mae-enganyo sa magandang kapaligiran ng kapaaralan ninyo na mag-aral para sa ganun handa kayo sa inyong kinabukasan.

At kami naman, mga magulang ninyo ay sisikapin na habang kayo ay nag-aaral pagagandahin, paiibayuhin ang ating ekonomiya para sana sa loob ng tatlong panahon pag kayo ay nag-graduate, meron na kayong trabahong naghihintay sa isang magandang pabrika rin dito sa Cabuyao.

Maraming salamat sa inyong lahat.

Pamantasan ng Cabuyao:

Lex Divina "Silencio"
Renelina Delmo, Coach

 

Delon Diaz
Elmer Dela Paz
Reggie Sioc

PnC SOARING HIGH @ 2!!!!!!!!!!!